Ano nga ba ang Stock Market ?
Mahilig tayo manood ng balita sa TV, pero kapag napupunta na sa business news ang balita at pinaguusapan na ang stock market, nililipat na natin ang channel kasi wala tayong maintindihan sa mga pinagsasabi ng reporter, at kung ano ba yung mga numerong umaandar na may iba’t ibang kulay.
Ano Ba Ang Stock Market?
“The stock market is a place where shares of stock of publicly-listed companies are bought and sold.”
Paghimayin natin ang nasa itaas.
The stock market is a place…
Ang stock market ay isang palengke na medyo sosyal. At gaya ng isang palengke, may mga tindero’t tindera rin dito. Pero imbes na karne, gulay, isda, at prutas ang paninda nila, ang mabibili mo dito ay ang tinatawag na stocks.
The Philippine Stock Exchange Trading Floor
Dito sa atin, ang Philippine Stock Market ay matatagpuan sa Philippine Stock Exchange o PSE sa Ortigas at sa…
View original post 2,077 more words